Mas naging positibo ang pananaw ng mga Pilipino partikular ng mga konsyumer para sa susunod na taon.
Batay sa ikinasang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagpakita ng mababang negatibong confidence index na negative 11.1% ang mga Pilipino mula sa negative 15.6% noong ikatlong bahagi ng nakaraang taon.
Ayon sa BSP, nakuha ang positibong pananaw bunsod ng mas mataas at karagdagang kita; pagdami ng bilang ng mga pilipinong may trabaho; at pagkakaroon ng permanenteng hanapbuhay tungo sa mas maayos na pamumuhay.
Bukod pa dito, naging maayos rin ang kundisyon ng ekonomiya at ang kalagayang pinansyal at kita ng bawat pamilya sa kabila ng mga hamon sa bansa kabilang na ang inflation rate; employment rate; at peso-dollar rate.