Binalot ng frost o yelo ang mga tanim sa atok Benguet.
Ito ay matapos maitala sa 6 °C ang temperatura sa lugar kaninang umaga.
Karaniwang nangyayari ito sa Benguet tuwing Enero hanggang Pebrero dahil sa pagbaba ng temperatura dala ng hanging amihan.
Sinabi ng PAGASA, asahan nang magpapatuloy ang mababang temperatura o malamig na klima sa lugar hanggang susunod na buwan.
Samantala, nasa 10.4 °C naman ang temperatura sa Baguio City kaninang umaga na siyang pinakamababang temperaturang naitala ng pagasa magmula noong nakalipas na ber months.