Suportado ni senatorial candidate at dating vice president Jejomar Binay ang panawagan na alisin ang buwis, sa honorarium ng mga guro at iba pang mga election personnel sa May 9 elections.
Ito’y ayon kay Binay, ay bilang pagkilala sa hirap at sakripisyo ng mga guro at election personnel, lalo na ngayong tag-init at pandemya.
Noong 2018, nagpataw ng limang porsyentong buwis ang BIR sa election honorarium ng mga guro.
Gayunman, inihayag ng Alliance of Concerned Teachers ba itinaas ng 20% ang buwis sa travel allowance ng mga guro sa halalan.
Samantala, iginiit ni Binay na hindi na dapat pahirapan ang mga guro at election personnel dahil sa laki ng trabahong ginagawa nila tuwing araw ng eleksyon.
Si Binay na mula sa United Nationalist Alliance (UNA) ay tumatakbong senador sa ilalim ng ticket nina Ping Lacson at Vicente Sotto III.