Pag-aaralan ng Commission on Elections ang panawagan ni dating Tao Muna Partylist Representative Mohammad Omar Fajardo na huwag isama ang mga gurong miyembro ng ACT o Alliance of Concerned Teachers sa mga maninilbihan sa eleksyon.
Ayon kay Director James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, ang pagpili nila sa mga guro ay nakabatay sa Selection Service Reform Act (SESRA).
Sa ilalim anya ng SESRA, ang pagkilala lamang sa guro ay kung nagtuturo ito sa pampubliko o pribadong paaralan.
Ipinaliwanag ni Jimenez na pagdating sa pagpili ng mga gurong maninilbihan sa eleksyon ay bulag ang batas sa grupong kinaaaniban ng mga guro o kahit pa sa idelohiyang kanilang ipinaglalaban.
Idinagdag pa ni Jimenez na sa panahon ng automated elections, halos nawalis na ang lahat ng intervention na ginagawa ng mga guro sa eleksyon.