Sinuportahan ng opisyal ng Liberal Party na si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa Pilipinas gawin ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan para sa National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Si Drilon ay isa sa mga nagsilbing negosyador sa peace talks noong nakalipas na administrasyon.
Ayon kay Drilon, bagama’t kinikilala ng ating bansa ang malaking tulong ng Norwegian government, panahon na para baguhin ang lugar ng pakikipag-usap at ikunsidera dito ang Pilipinas.
Naniniwala ang senador na mas lalakas ang kumpiyansa ng dalawang panig sa gagawing muling pag-uusap kung sa Pilipinas gagawin ang peace talks.
Dagdag pa ni Drilon, palagi na lamang sa labas ng bansa ginaganap ang pag-uusap kung saan mayroon pang third party ngunit wala namang nangyayari.