Naniniwala si Sen. Cynthia Villar na hindi na kailangan para muling ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Ito ang reaksyon ng senadora sa panawagan ng mga health frontliner tulad ng mga doktor, nurse, at iba pang medical workers upang makahinga ang mga ito dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa panayam ng DWIZ kay Villar, nilinaw nito na ang naging panawagan ng mga health frontliners ay dapat ituring na wake-up call ng Department of Health (DOH) para tutukan ang kapakanan ng mga doktor at iba pang medical frontliners.
We have to live with COVID-19. Di natin puwedeng isara ang ekonomiya dahin sa COVID-19. Kailangan nalang pag-igihin ng Department of Health, PhilHealth, at ng buong gobyerno na ma-kontrol nila ‘to. Mako-kontrol naman to through barangay lockdown, hindi na yung buong Metro Manila i-lo-lockdown. Kung hindi nga mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang mga tao,” ani Sen. Cynthia Villar sa panayam ng DWIZ.
Binigyang diin pa ni Villar na bagama’t nauunawaan niya ang kalagayan ng mga medical frontliner sa COVID-19 pandemic, kailangang doblehin pa ng pamahalaan ang ginagawang pagsisikap upang matugunan ito .
May time in our lives na ikaw talaga ang mapapagod. Iba-iba naman ang kalamidad. So itong kalamidad na ito ang mapapagod dito ang health frontliners natin. Iba iba yan eh, but I guess we need to work hard,” dagdag pa ni Villar.