Tutol ang Pilipinas sa panawagan ng United Nation na kondenahin ang mga sinasabing paglabag sa karapatang pantao ng Rohingya muslim minority na nasa bansang Myanmar.
Maliban sa Pilipinas, hindi rin sumang-ayon sa resolusyong ito ng U.N. ang China.
Base sa U.N. human rights council resolution, hinihikayat umano nito ang Myanmar government na mabigyan ng ligtas at maayos na matitirahan ang Rohingya minority na wala umanong permanenteng pamamahay sa loob ng kanilang bansa.
Una nang sinabi ng UNHRC na umaabot na umano sa milyong rohingya minority ang pumasok ng Myanmar matapos tumakas sa panggigipit at pang-aabuso ng mga otoridad sa Bangladesh.
Matatandaang, nagpahayag noon si Pangulong Rodrigo Duterte na handa itong tumanggap sa mga rohingya sakaling kailanganin ng mga ito ang tulong ng Pilipinas.