Dapat ng itigil ng china ang militarisasyon sa ilang bahagi ng Spratly Islands.
Ito ang panawagan ni U.S. Secretary of Defense Ash Carter kay Chinese Defense Minister General Chang Wanquan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay Carter, dapat din anyang itigil ng ibang claimant ang anumang reclamation at militarization activities sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Muling iginiit ng U.S. official sa kanyang Chinese counter part na ipagpapatuloy ng Estados Unidos ang pagpapatrol ng mga barko nito sa Spratly bilang bahagi ng prinsipyo ng freedom of navigation.
Nasa Kuala Lumpur si Carter para sa ASEAN Defense Ministers Meeting at iba pang kaalyado nitong bansa.
By Drew Nacino