Tinabla ni LTO o Land Transportation Office Chief Edgar Galvante ang panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magbibitiw na siya sa pwesto.
Ayon kay Galvante, hindi niya basta-basta na lang tatalikuran ang tungkulin na ipinagkatiwala sa kaniya kaya’t tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang kaniyang pakikinggan kung siya ay dapat ng magbitiw o manatili sa pwesto.
Paliwanag ni Galvante hindi niya hawak kundi na sa Korte Suprema ang desisyon kaugnay sa pagpapalabas ng mga bagong plaka matapos silang magisyu ng Temporary Restraining Order.
Inihayag naman ni Galvante na nagsimula na ang panibagong procurement process para sa mga bagong car plates at kanilang inaasahan na magsisimula na ang production nito sa Marso ng susunod na taon.