Tinabla ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si US Senator Patrick Leahy sa panawagan nitong bigyan ng patas na paglilitis si Senador Leila De Lima na una nang nakulong dahil sa kaso ng iligal na droga.
Sinabi ni Panelo na sa halip pakialaman ni Leahy ang usaping panloob ng Pilipinas, mas makakabuti kung tututukan na lamang ang mga problema sa Amerika.
Ignorante aniya at pawang non sense ang mga pinagsasabi ni Leahy at ibinase ang pahayag ng mga maiingay na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Panelo na korte na ang bahala sa kaso ni De Lima na malinaw namang nabibigyan ng patas na paglilitis.
Kasabay nito, binara rin ni Panelo ang pagpuna ni Leahy sa human rights situation sa bansa at nagsabing may mga kaso ng human rights violation subalit isolated lamang ito at tinutugunan na ng pamahalan.