Dapat nang tigilan ang panawagang maglunsad ng panibagong Edsa People Power.
Tugon ito ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa apela ni dating presidential spokesman Harry Roque publiko na suportahan si Vice President Sara Duterte at magtipon-tipon sa Edsa.
Ito’y upang ihayag ang pagtutol sa pamamahala ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Senator Estrada, magdudulot lamang ang apela ni Roque ng pagkakawatak-watak ng sambayanang Pilipino.
Sapat na anya ang Edsa People Power 1 at 2 kaya’t hindi na dapat masundan ng panibagong people power.
Iginiit ng mambabatas na hindi ito kailangan sa ngayon ng bansa dahil mas maraming dapat unahin na problema ang gobyerno.