Hinimok ni Comelec commissioner George Garcia ang mga Filipino na nasa abroad na lumahok sa Overseas Voting para sa May 2022 polls.
Ayon kay Garcia, nasa 1.6 milyong indibidwal ang kabilang sa kanilang listahan ng Overseas Voters na malaking parte ng voting population.
Batid aniya nila ang sitwasyon ng mga Pinoy na nasa ibayong dagat na abala rin sa kani-kanilang trabaho o ‘di kaya’y ayaw payagan ng kanilang mga employer.
Una rito, sinabi ni garcia na handa na ang poll body maging ang lahat ng embahada at konsulado ng pilipinas sa pag-arangkada ng absentee voting para sa mga overseas at local absentee voters.
Idaraos sa Abril 10 hanggang sa Mayo 9 ang overseas absentee voting para sa 2022 National and Local Elections.