Kinontra ni Congressman Rodolfo Albano ang mga panawagang resignation ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya.
Tinawag pa ni Albano na counter productive at foolish ang mga isinusulong na pagsibak kay Abaya sa gitna na rin ng kontrobersya sa laglag o tanim bala sa NAIA.
Ayon kay Albano, maraming tinututukang multi-billion peso infrastructure projects si Abaya tulad ng konstruksyon ng Connector Road na mag-uugnay sa North at South Luzon Expressways.
Ang modernization ng MRT line 3 at konstruksyon ng bagong international airports sa Cebu, Palawan at Bohol.
Sinabi ni Albano na ipinag-utos na ni Abaya ang imbestigasyon sa nasabing kontrobersya at sinimulan na ang pagpapalit ng security protocol sa mga airport batay na rin sa direktiba ng Pangulong Noynoy Aquino.
Kasabay nito, hinimok ni Albano ang publiko na pakinggan ang apela ng gobyerno na huwag magdala ng anumang bala sa mga airport.
By Judith Larino