Ibinasura ng Deoparment of Education (DepEd) ang panawagang academic break dahil sa paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, mayroon namang academic ease o alternatibong paraan para hindi itigil ang pag-aaral ng mga kabataan.
Dagdag pa ni San Antonio, hindi rin dahilan ang kawalan ng ng gadget upang ikansela ang klase dahil mayroong printed self-learning materials naman.
Sa huli, hinikayat ni San Antonio, ang mga guro na maging considerate sa mga sitwasyon ng bawat bata at huwag masyadong strikto sa deadline ng mga gawain ng mga estudyante. —sa panulat ni John Jude Alabado