Inaprubahan na ng mga awtoridad ang panawagang academic break ng mga estudyante ng Saint Louis University (SLU).
Ikinatuwa ng SLU Supreme Student Council ang naging resulta ng naging pulong nila kasama ang City Government, University Administrators, CHED at mga kinatawan mula sa mga ahensya ng edukasyon.
Sa ngayon ay isinasapinal pa ng student council ang petsa para sa ipatutupad na academic break.
Matatandaang nagsagawa ng candle-light protest ang ilang estudyante ng SLU nitong sabado upang humiling ng academic break sa naturang pamantasan dahil sa pagod at stress ng pag-aaral. —sa panulat ni Hya Ludivico