Suportado ng Metro Manila Council (MMC) ang panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos na magbitiw ang lahat ng police generals at colonels, partikular ang ilang sangkot sa illegal drugs trade.
Ayon sa MMC, alinsunod sa 1987 Constitution ang ginawa ni Abalos, na dating chairman ng MMDA.
Sa MMDA Resolution 23 – 01, ipinaliwanag ng MMC na sa ilalim ng saligang batas, ang isang public office ay public trust at ang public officers at employees ay dapat sa lahat ng oras ay dapat managot sa taumbayan, at paglingkuran ang mga ito nang lubusan.
Layunin anila ng kalihim na linisin ang buong hanay ng PNP at tuluyang mawalis ang mga tiwaling pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidad.
Ang MMDA resolution ay inaprubahan at ini-adopt noong Enero a – 4 pero aminado si MMC Chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora na hindi lahat ng alkalde ay lumagda.