Nakiisa na rin si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa panawagang patalsikin na sa puwesto si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Hornado.
Kabilang si Pabillo sa mga lumagda sa online petition na palitan na sa puwesto si Honrado kasunod ng tanim-laglag bala controversy sa paliparan.
Ayon kay Pabillo, malinaw na resulta ng incompetence ang kontrobersiyang bumabalot ngayon sa NAIA.
Sino man aniyang incompetent sa kanyang trabaho ay dapat na palitan na sa kanyang upwesto.
Sinimulan ng grupong Migrante International ang naturang petisyon na sa ngayon ay nakakalap na ng halos 12,000 mga lagda.
By Rianne Briones