Dinedma ng Malacañang ang mga panawagang i-boycott ang mga Chinese products at sipain palabas ng bansa ang mga Tsinong nasa Pilipinas dahil sa pambu-bully ng China sa mga Pinoy.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, paninindigan nito ang mapayapa at diplomatikong pagtugon sa sigalot sa West Philippine Sea.
Una nang iginiit ng US Pinoys for Good Governance na hindi na dapat tangkilikin ang mga produkto ng mga Tsino.
Kaugnay nito, sinabi ni Di Ka Pasisiil Movement Founder Roilo Golez na mga damit lamang ang dapat i-boycott at hindi lahat ng mga produkto ng China.
Paliwanag naman ni Valte, iginagalang nila ang saloobin ng mga ito, subalit dapat aniyang tandaan na maraming ethnic Chinese ang kasalukuyang nasa Pilipinas.
By Jelbert Perdez