Gagawin nang pandaigdigan o global ang panawagang i-boycott ang paglalagay ng advertisement sa Facebook.
Ayon kay Jim Steyer, chief executive ng Common Sense Media, magsisimula na rin silang manawagan sa mga pangunahing kumpanya sa Europe na lumahok sa advertising boycott campaign laban sa Facebook.
Umaabot na sa 160 kumpanya na ang nagpahayag ng suporta sa Stop Hate for Profit na inilunsad matapos masawi si George Floyd sa kamay ng Minneapolis Police.
Layon ng kampanya na i-pressure ang Facebook na higpitan ang regulasyon sa paggamit ng Facebook para magpakalat ng galit o hate speech.