Suportado ni Senate Minority Leader at CA Member Franklin Drilon ang panawagan nina Senador Panfilo Lacson at Congresswoman Josephine Sato na imbestigahan ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na Lobby Money Talks o may gumana umano na lobby money kaya na-reject ang appointment ni Gina Lopez sa Commission on Appointments,
Ayon kay Drilon, dapat na mag-iniate ng imbestigasyon sa naturang usapin si Senate President Aquilino “koko” Pimentel bilang chairman ng C.A.
Iginiit ni Drilon na mahalagang maimbestigahan ang naturang isyu dahil nakakaaapekto ito sa integridad ng bawat miembro ng CA at sa buong CA mismo
Bilang tugon, sinabi ni Pimentel na handa niyang paimbestigahan sa CA mismo ang naturang isyu pero kailangan daw muna niyang makakakalap ng ebidensya
Ayon kay Pimentel, kailangang magkaroon muna ng mas credible na ebidensya at hindi verbalized theory lang.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno