Hindi uubrang sa panawagan lamang na imbestigasyon sa Ozamiz City Raid Operations dumipende ang Senado.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson na nagsabing hindi naman maaaring sa tuwing may mamamatay sa police operations ay magpapatawag sila ng public hearing.
Sinabi ni Lacson na kung may magsasamapa ng resolusyon pag aaralan nila ito at kung may sapat na basehan ay magpapatawag sila ng imbestigasyon.
Sapat na aniyang batayan para magsagawa ng senate hearing kung magsusumite ng affidavit ang sinasabing testigo sa nasabing insidente.