Suportado ng Philippine National Police ang ginagawang pagrerepaso ng Department of Justice, sa mga kasong may kinalaman sa kanilang mga operasyon kontra iligal na droga.
Ito ay matapos suspendihin ng International Criminal Court ang imbestigasyon ukol sa war on drugs sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Rhoderick Alba, nananatiling buo ang tiwala ng kanilang ahensya sa DOJ at kanilang igagalang ang naging pasya ng ICC.
Sa ngayon nasa 53 case folders na ang isinumite ng PNP sa DOJ kung saan, pangunahing sangkot sa ligal na droga ang mga pulis maging sa ilang patayan sa ilalim ng administrasyong Duterte. —sa panulat ni Angelica Doctolero