Tinabla ng Malacañang ang panawagang pagbitiwin sa puwesto si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado dahil sa isyu ng laglag-bala sa NAIA.
Unfair, ayon kay Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras na pagbitiwin si Honrado dahil sa kontrobersya na tiyak aniyang hindi ito sangkot.
Mas mabuti aniyang hanapan ng solusyon ang problema sa halip na pababain sa puwesto ang isang opisyal na ginagawa ang kanyang trabaho.
Aminado rin si Almendras na mahirap pagbitiwin si Honrado sa ngayon dahil kailangan pang hanapan ito ng kapalit, habang pag-aaralan pa ng kapalit nito ang trabaho na hindi kaya ng sitwasyon dahil sa preparasyon sa pagdating ng mga delegado ng APEC Summit.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)