Sinagot ngayon ng isa sa mga tagapagsalita ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na magbitiw na sa puwesto ang Punong Mahistrado.
Ayon kay Atty. Carlo Cruz, hindi na ito kailangan pang gawin ni Sereno dahil nakahanda na ang kanilang kampo na harapin ang impeachment complaint laban dito.
Sinabi pa ni Cruz na dapat hintayin na lamang ni Roque ang magiging resulta ng inihaing reklamo at huwag itong mag-pre judge sa kaso.
Sa huli, muling iginiit ni Cruz na wala sa “option” ni Sereno ang pag-reresign sa kanyang pwesto.
“Resignation had never been an option because ang tingin namin dito ay katungkulan ni Chief Justice Sereno bilang Punong Mahistrado na harapin ang usaping ito, mahalagang gawin niya yan para ma-preserve, ma-uphold natin ang dignidad, ang integridad, at ang kasarinlan hindi lang ng Korte Suprema kundi ng opisina ng Punong Mahistrado.” Pahayag ni Cruz
(Karambola Interview)