Muling binuhay ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panawagang isailalim sa mandatory drug test ang lahat ng miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Dahil dito, muling ihahain ni Barbers sa pagbubukas ng ika-18th Kongreso ang panukalang batas hinggil dito na layong matiyak na drug free ang Kamara de Representantes.
Nakasaad sa ihahaing resolusyon na obligado ang lahat ng mga kongresista at kanilang mga tauhan gayundin ang kanilang consultants na sumailalim sa drug test bago sila magsimulang maglingkod.
Sakaling hindi tumalima ang sinuman sa mga kawani ng Kamara ay iipitin ang suweldo gayundin ang iba pang benepisyo, maliban pa sa ipapataw na parusa ng Civil Service Commission.
Giit ni Barbers, kahit sabihing hindi na kailangang gawin ang drug test, hindi pa rin exempted ang mga ito dahil lahat dumaraan dito tulad na lamang ng mga nasa unipormadong hanay, pampubliko gayundin sa pribadong mga kawani.