Tutol ang ilang mambabatas na magbitiw sa tungkulin si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ngunit sinabing dapat niyang mas ayusin ang trabaho.
Sinabi ni Congressman Harry Roque na dapat bigyan si Dela Rosa ng second chance sa kanyang pagiging PNP Chief pero pangmatagalang solusyon, aniya, ang kailangan sa mga krimen.
Sa panig naman ni Congressman Alfredo Garbin, iminungkahi niya na iwasan muna ni Dela Rosa na magpatawa.
Dapat aniyang maging respetado siya ng kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng paglutas sa mga krimen at pagsunod sa layunin ng pambansyang pulisya na maglingkod at mabigyang-proteksyon ang taumbayan.
Samantala, sinabi rin ni Congressman Sherwin Tugna na, sa halip na magpakengkoy sa publiko, magpakaseryoso na lang si Dela Rosa sa kanyang trabaho at tumutok sa paglutas ng krimen.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc