Labag sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng procurement law ang ginawang paglipat ng P42-B pandemic funds ng health department sa procurement service ng budget department.
Ayon kay senate minority leader Frank Drilon, ito’y dahil kinakailangang may Memorandum of Agreement (MOA) para sa documentary tracing.
Pero ayon kay dating budget Usec. Llyod Christopher Lao, dating head ng procurement service ng budget department na hindi na kailangan ng MOA dahil ang ipinabili naman aniya ng health department ay medical supplies na itinuturing na ‘common supplies’.
Sa huli, iginiit ng senador na wala sa batas na nagsasabing pinapayagan ang hindi pagpasa ng MOA sa ganitong mga transaksyon.
Kung kaya aniya tinukoy ito ng Comission on Audit (COA) na kwestyonable ang paggamit ng pandemic funds ng health department.—mula sa ulat ni Cely Obueno