Hindi sapat ang panawagan ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na magbitiw sa pwesto.
Ito ang sinabi ng Human Rights Watch (HRW) kasunod ng desisyon ng DILG na layong masolusyunan ang problema ng ahensiya sa iligal na droga.
Ayon kay Carlos Conde, Senior Researcher ng Human Rights Watch, hindi sapat ang desisyon upang matiyak na magkakaroon ng hustisya ang mga responsable sa krimen at pang-aabusong ginawa sa panahon ng giyera laban sa droga.
Ang hakbang na ito ay nagsisilbi lang aniya upang maiwasan ang pananagutan ng mga opisyal na nakagawa ng pang-aabuso.
Isang ‘shortcut’ din ito para maalis ang mga miyembro ng PNP na sangkot sa drug trade sa halip na disiplinahin sa tradisyonal na paraan.
Samantala, hinimok naman ni Conde ang mga police colonel at heneral na imbestigahan at kasuhan sa halip na magbitiw.
Iminungkahi din ng HRW researcher ang International Criminal Court na imbestigahan ang drug war sa bansa kung sa tingin ng administrasyon ay magtatagal ito.