Binigyang diin ng Malakanyang na hindi pa maaaring bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pardon si retired Major General Jovito Palparan.
Ito ay sa harap ng mga panawagang palayain na si Palparan lalo na’t marami nang napanagot na miyembro ng NPA o New People’s Army.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque , limitado lamang ang kapangyarihan ng Pangulo at hindi nito maaaring panghimasukan ang usapin na nasa hurisdiksyon ng hudikatura.
Giit pa ni Roque , gumugulong pa ang proseso ng kaso ni Palparan at hindi pa naman ito nako – convict.
Si Palparan ay nakakulong dahil sa kinasasangkutan niyang kaso ng pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philiplines noong taong 2006.