Ipinauubaya na ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung sisibakin siya o hindi sa puwesto bilang tagapagsalita ng Punong Ehekutibo.
Ito ang tugon ni Roque makaraang tanungin hinggil sa kung ano ang reaksyon ng Pangulo sa panawagan ng mga DDS o Duterte Die-hard Supporters na sibakin na siya sa puwesto.
Gayunman, nanindigan si Roque na mananatili siya sa puwesto bilang Presidential Spokesman hangga’t hindi siya sinasabihang magbitiw dahil naglilingkod siya sa kagustuhan ng Pangulo.
Magkasama sina Roque at Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa delegasyon ng Pangulo sa Vietnam kasunod ng isinasagawang APEC o Asia Pacific Economic Cooperation.
By Drew Nacino / Jaymark Dagala (with report from Jopel Pelenio)