Ibinasura ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang panawagan ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon.
Ito ay para sibakin si Caloocan City Senior Assistant Prosecutor Darwin Caniete na ayon kay Drilon ay nagkaroon na ng prejudgment sa kaso nang pagpaslang sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
Sinabi ni Aguirre na hindi niya maaaring sibakin si Caniete dahil ipinabatid sa kaniya ng Office ng City Prosecutor ng Caloocan City na hindi ito nakatalaga sa nasabing kaso.
Bukod dito inihayag ni Aguirre na wala pa namang reklamong isinampa kaugnay sa nangyaring pamamaslang umano ng mga pulis Caloocan kay Delos Santos noong August 16.
Ayon kay Aguirre si Caniete bilang residente ng Caloocan City ay inatasang kumuha ng mga ebidensya at impormasyon sa mga iniimbestigahang kaso ng pagpatay sa nasabing lungsod.
Dahil dito aniya ay excluded na o hindi na kasali si Caniete sa mga prosecutor kung saan ira-raffle ang nasabing kaso ni Kian.
By Judith Larino
SMW: -RPE