Kinontra ng Malakaniyang ang panawagang tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na umano’y nagre-red tag sa community pantries.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pondo ng ELCAC ay nakalaan sa mga proyekto na magbibigay ng asenso at progreso sa mga lugar na mayroon pang mga rebelde.
Giit ni Roque, bigyan ng pagkakataon ang kagawaran na gawin ang kanilang trabaho o mga inilalatag na proyekto.
Kasabay nito, nilinaw ni Roque na nananatili ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga charity effort basta’t layon nitong makatulong sa mga mahihirap lalo na ngayong panahon ng pandemya.