Pag-aaralan ng Comelec En Banc ang panawagang palawigin ang registration period para sa mga pilipinong nasa ibang bansa na nais makaboto sa Eleksyon 2022.
Ayon kay Comelec Chairman Sherif Abbas, tatalakayin nila ang posibleng pagpapalawig sa overseas registration sa Miyerkules sa gitna na rin nang puspusang paghahanda nila para sa 2022 national elections.
Maaari aniyang ikunsider ang pagbubukas muli ng registration sa mga lugar lamang sa abroad na aniya ay “parang NCR “ kung saan marami pa ang gustong magparehistro.
Una nang ini-apela ni Senador Imee Marcos na ikunsider ang apela ng mga OFW at seafarer na hindi nakaabot sa deadline ng overseas registration nuong October 14 dahil nahirapan sa pagbyahe patungo sa mga konsulada at embahada bunsod ng pandemya.