Sang-ayon si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair at chief political consultant Joma Sison sa panawagang pandaigdigang tigil-putukan ng United Nations bilang kabahagi sa paglaban ng mundo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, inirekomenda ni Sison sa negotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang posibilidad ng pagdedeklara ng unilateral ceasefire.
Kasabay nito, ipinabatid ni Sison na may mga hakbang na rin silang ginagawa para makaiwas sa sakit.
Gayunman, sinabi ni Sison na mananatili pa ring alerto ang New People’s Army (NPA) sakaling sumalakay ang pwersa ng pamahalaan.
Ani Sison, hindi niya sinuportahan ang deklarasyong tigil-putukan ng pamahalaan noong March 15 dahil tuloy naman umano ang pag-atake ng tropa at red tagging campaigns ng AFP at PNP sa kanilang hanay.