Hindi pabor si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa panawagang alisin sa pwesto at palitan ang mga pulis sa Jolo sa Sulu kasabay ng naganap na pagsabog sa lugar at pagpatay sa ilang miyembro ng kasundaluhan.
Ayon kay Dela Rosa, hindi magiging patas kung ipatutupad ang naturang panawagan lalo’t may ilang miyembro nito ang tunay na tumutupad sa tungkulin sa bayan.
Ako naman sa panawagan na yun that is very unfair for the rest of the policemen na di involve, granting may nakikipagkutsaba sila ang tatanggalin dun di yung buong police force dahil unfair sa nagtatrabaho nang matino.”, ani Dela Rosa.
Inihalintulad pa ni Dela Rosa, ang nangyari kay Senadora Leila De Lima na kasalukuyang nakapiit, ay dapat na rin ba aniyang ‘umalis ang lahat ng senador?’.
Parang sinabi mo na si porke si Sen. De Lima ay akusado ng drug cases sasabihin na umalis kayong lahat sa senado,” ani Dela Rosa.
Magugunitang nanawagan si Senadora Risa Hontiveros na palitan na ang lahat ng kapulisan sa jolo sa sulu makaraang ang kambal na insidente.
Kasunod nito, kinumpirma naman ni PNP Chief Archie Gamboa na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukulong ang mga pulis na sinasangkot sa pagpatay ng mga intel officer ng kasundaluhan. Ito’y sa kabila ng isinampang kasong murder at pagtatanim ng ebidensya ng National Bureau of Investigation (NBI).