Lalo pang tumitindi ang panawagang tanggalin na ang P10 provisional rollback sa flag down rate ng mga taxi.
Ito’y ayon sa grupong Drivers Unit for Mass Progress Equality and Reality o DUMPER Philippines ay dahil sa P3 hanggang P7 piso na ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina mula noong Marso at inaasahang tataas pa.
Ayon kay Fermin Oktubre, Pangulo ng DUMPER, naghain na sila ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para kanselahin ang provisional discount.
Bukod dito, sinabi ni oktubre na hindi naman ibinaba ang boundery sa mga taxi kahit nagpatupad ng provisional discount kaya marami ang kinakapos sa boundery
Magugunitang naging epektibo ang P10 pisong provisional rollback sa flag down rate ng mga taxi sa bansa mula sa P40 pesos dahil sa sunud-sunod na rollback naman sa mga produktong petrolyo.
By Jaymark Dagala