Suportado ng mga kapwa cabinet secretary ang panawagang tumakbo sa pagka-Senador si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, kina-kantyawan na ng mga kapwa nila kalihim si Go dahil pabor din silang maging Senador ito.
Kung karanasan at kaalaman anya ang pag-uusapan ay milya-milya na ang layo ni Go lalo’t napakalalim ng karanasan nito sa local government dahil sa tagal na nagsisilbi kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Batid din ni Go ang takbo ng isip ni Pangulong Duterte kaya’t maaari na niyang alalayan sa Senado ang legislative priorities ng punong ehekutibo at kailangan ng sambayanan ang “no nonsense workaholic” na tulad ni Secretary Go.
-Jopel Pelenio