Suportado ng Simbahang Katolika ang panawagang dadgag sahod sa mga manggagawa sa buong bansa.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, pinapahirap ng ipinatutupad na TRAIN Law ang buhay ng mga manggagawang Pilipino at mahihirap na pamilya.
Makabubuti aniyang ibasura na ang TRAIN Law at palitan ito ng mas makatao at makatwirang batas sa buwis.
Matatandaang isinusulong ng TUCP ang dagdag 800 Pisong minimum wage sa mga manggagawa sa buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.