Kinontra ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang mga panawagang resignation ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa.
Ayon kay VACC founding Chairman Dante Jimenez dapat na bigyan ng ikalawang pagkakataon si Dela Rosa para habulin ang mga tiwaling pulis at patinuin ang pambansang pulisya.
Sinabi ni Jimenez na kailangan lamang aniyang bawasan ni Dela Rosa ang stress free activities nito.
Pinayuhan din ni Jimenez si Dela Rosa na magsanay ng proper decorum.
By: Judith Larino