Inilunsad ang isang pandaigdigang kampanya para sa restoration ng nasunog na Notre Dame Cathedral sa Paris.
Isang website para makapangalap ng donasyon ang inilusad ng French Heritage Society, isang non-profit group sa Amerika na ang layunin ay tumulong sa preservation ng French architectural at cultural treasures.
Samantala, sa webiste na Go Fund Me, mahigit sa limampung kampanya na may kinalaman sa pagkasunog ng cathedral ang inilunsad mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Tiniyak naman ng mga administrador ng Go Fund Me website na sisiguraduhin nila na anuman ang makalap na pondo ay didiretso sa Notre Dame Cathedral.
Pasado alas-11:00 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahagi ng simbahan na sumasailalim sa rehabilitasyon.
Ang Notre Dame Cathedral ay tahanan ng mga artifacts, artwork at iba pang relics na nakolekta sa nagdaang siglo.
—-