Hindi na pwede sa kalupaan ng Manila City ang bawat myembro ng ‘Panday Sining’.
Ito’y matapos maaprubahan ng Manila City Council ang resolusyon na nagdedeklara sa militanteng grupo na persona non grata sa Maynila.
Matatandaang noong Sabado lamang, Nobyembre 30, nang arestuhin ang apat na myembro ng grupo matapos magsagawa ng bandalismo sa istasyon ng Light Rail Transit (LRT) sa Recto Avenue, Manila
Magugunita rin na ang Panday Sining ang may pakana sa pambababoy sa dingding ng Lagusnilad underpass at maging sa U.N Avenue na labis na ikinagalit ni Manila Mayor Isko Moreno.
BREAKING: Idineklarang persona non grata ang militanteng grupo na ‘Panday Sining’ ng Manila City Council | via @ManilaPIO https://t.co/TVzB4f6b52
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 6, 2019