Pinalagan ng grupong Panday Sining ang panukalang batas na naglalayong patawan ng mas mabigat na parusa ang mga masasangkot sa bandalismo.
Ayon sa grupo, tila hakbang ito ng adminstrasyong Duterte para sikilin ang malayang pagpapahayag ng saloobing ng mamamayan partikular sa lansangan.
Sa ilalim ng House Bill 2090, sino mang mahuhuling gumagawa ng bandalismo ay maaaring patawan ng mula 12 hanggang 15 taong pagkakakulong at pagmumultahin ng hanggang 300,000 piso.
Una rito, idineklara nang persona non grata ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang Panday Sining matapos ang ginawang bandalismo sa isang underpass sa lungsod.