Itinuturo ng Department of Health (DOH) ang ‘pandemic fatigue’ bilang sanhi ng mababang bilang ng COVID-19 booster shot rate.
Ang pandemic fatigue ay nangangahulugang pagmo-move on ng publiko sa virus dahil sa pagiging kumpyansa nito sa unang dalawang dose ng bakuna.
Sa kabila ng pagsisikap ng ahensya na mas mailapit ng mga vaccination sites sa publiko, bigo pa rin itong mataas ang vaccine uptake.
Layon ng DOH na makapagbigay ng 1.9 million booster shots sa week-long special vaccination program nito mula September 26 hanggang September 30.
Ngunit pagsapit ng October 1, nasa 100,000 ng indibidwal lamang ang naka-avail ng booster shots.
Kaugnay nito, ayon kay doh officer-in-charge maria rosario vergeire, nakadadagdag din sa mababang bilang ng booster coverage ang hindi pagre-require ng booster shot sa mga pumapasok sa establisyimento o gumagamit ng pampublikong transportasyon. – sa panulat ni Hannah Oledan