Hindi pa natatapos ang COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante bagama’t kaunti na lamang ang naitatalang kaso at nao-ospital dahil sa nasabing sakit sa bansa.
Aniya, mayroon pa ring mutations at mga bagong variant of concern na lumilitaw kaya’t hindi pa rin natatapos ang pandemya.
Iginiit pa ni Solante na maituturing lamang na “End of Pandemic” kung wala nang naiuulat na mga kaso ng Covid-19 ang mga bansa sa buong mundo.
Kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,858 bagong mga kaso ng Covid-19 sa bansa.