Posibleng bawasan ang asukal sa pandesal kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo sa mga merkado.
Ito ang iginiit ni Chito Chavez, Presidente ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino kung saan pumalo na sa 5,000 pesos ang presyo ng kada sako ng asukal mula sa dating 2,500 pesos.
Sinabi nito na makakasabay aniya ang mga bakers sa tumataas na gastos sa paggawa ng pandesal at maibabalik ang original recipe nito.
Maliban dito, ipinabatid pa ng grupo na posibleng gamitin nila ang Stevia sweetener bilang alternatibong asukal para sa mga diabetic.