Itinalaga ng DOJ o Department of Justice si Assistant State Prosecutor Susan Villanueva para pamunuan ang binuong 3-man panel of prosecutors.
Ito ang siyang hahawak sa imbestigasyon hinggil sa malagim na pagkamatay ng hazing victim at University of Santo Tomas (UST) law freshman Horacio ‘Atio’ Castillo III sa kamay ng Aegis Juris fraternity.
Partikular na isasailalim sa imbestigasyon ang mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris partikular na si John Paul Solano na nahaharap sa mga kaso tulad ng paglabag sa Anti-Hazing Law, Perjury at Robbery.
Makakasama ni Villanueva sa nasabing panel sina Assistant Prosecutors Wendell Bendoval at Assoc. Prosecutor Honey Rose Delgado.