Kinumpirma ng Department of Trade and Industry o DTI ang pagkakabuo ng isang grupo na tututok sa imbestigasyon sa problema sa isang Mitsubishi Montero na nasangkot sa aksidente kamakailan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DTI Undersecretary Victorio Dimagiba na kabilang sa mga miyembro ng probe team ang tatlong direktor ng ahensya.
Ayon kay Dimagiba, nagpalabas na rin ng imbitasyon ang mga miyembro ng lupon para sa mga eksperto upang matukoy kung anong isyu sa sasakyan at alamin kung may piyesa na naging ugat ng aksidente.
“Nag-volunteer sila mismo, tumawag sila kahapon nung nadinig nila ang balitang nag-create ako ng panel, meron pala tayong Electronic Product Design Center diyan sa DOST under Advance Science Testing Institute, sabi nila kaya nilang inspeksyunin ang sasakyan.” Paliwanag ni Dimagiba.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita