Mapangangatawanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga pahayag laban sa mga alagad ng simbahang katolika.
Ito ang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo matapos muling batikusin ng Pangulo ang ilang obispo, partikular si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani.
Sinabi ni Panelo na may access ang Pangulo sa intelligence report at record kaya hindi ito magsasalita nang walang backup na dokumento.
Kaugnay naman sa sinabi ng Pangulo na may mabahong hininga at hindi naghuhugas ng kamay ang ilang pari at obispo, sinabi ni Panelo na may freedom of expression ang lahat ng Pilipino kabilang na ang Pangulo.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping