Kumbinsido si Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na nilabag ang privacy ng mga preso matapos mailabas sa publiko ang hubo’t hubad na larawan ng mga ito sa isinagawang anti-drug operations sa loob ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.
Ayon kay Panelo, kung seguridad ang pag-uusapan may punto ang jailwarden dahil kung hindi niya ito ginawa, tiyak na may makalulusot na armas na posibleng pagmulan ng riot.
Ang masama aniya ay hindi nag-ingat ang jail officials at may nakakuha ng larawan na inilabas sa publiko.
Duda si Panelo na isa sa mga staff ng jail facility ang kumuha ng litrato kaya’t malinaw na nilabag nito ang privacy ng mga bilanggo.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping