Hinamon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang ilang sendor na i-donate ang kanilang isang buwang sahod para pandagdag sa P1,000 ayuda sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos batikusin nina Senators Nancy Binay, Risa Hontiveros, Imee Marcos, Joel Villanueva, at Panfilo “Ping” Lacson ang anila’y hindi sapat na cash aid program ng gobyerno.
Giit ni Panelo, kung talagang may malasakit ang mga senador sa taumbayan, dapat magmumula sa mga ito ang dagdag-ayuda para sa mga mahihirap na mamamayan.